Wheel Chair at Saklay, kaloob para sa mga PWD’s sa Lalawigan ng Batangas

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO

October 12, 2011
TEL/043-980-5206

Tutok ang pamahalaang panlalawigan sa katatayuan ng sektor ng may kapansanan sa Batangas matapos mag kaloob ito ng mga wheel chairs para sa mga persons with disabilities na nag mula sa ika- apat na distrito ng lalawigan.

Assistance for PWD’s- Kapulong ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang mga kinatawan ng Persons with Disabilities sa lalawigan na pinamumunuan ni Advocate on Disability Affairs Ronel del RIO upang ilahad sa mga ito ang mga programa ng lalawigan na nakatuon sa mga pangangailanagan ng may mga kapansanan. Kasabay ng tagpong ito ang pagbibigay ng mga wheelchair sa mga recipients na nag mula sa ika-apat na distrito ng lalawigan. (Capitol Photo: Edwin V. Zabarte-PIObatangas)

Pinangunahan ni 4th District Board Member Mabelle Virtucio at Advocate on Disability Affairs, Ronnel del Rio ang pagharap kay Batangas Governor Vilma Santos Recto ang paghahandog ng wheel chair at crutches(saklay) sa mga recipients na mula sa bayan ng Rosario, San Jose at San Juan noong ika-11 ng Oktubre 2011.

Sa pagharap sa mga recipients at mga kinatawan ng PWD’s ng mga bayang nabangit, ipinahayag ni Governor Vi na nakatutok ang kanyang administrasyon sa kapakanan ng mga may kapansanan.

Kasama sa kanyang programa ang ayuda sa livelihood programs na magbibigay pagkakataon sa mga produkto ng mga ito na mai puwesto at makilala sa iba’t-ibang pamilihan. Isa rito ang pagkakaroon ng pakikipag –uganayan sa department of Trade and Industry na bigyan ng pagsasanay at gabay ang mga samahang ito sa packaging and marketing ng kanilang mga produkto.

Mahigpit din niyang ipinatutupad ang building code sa lalawigan na nag sasaad ng pagkakaroon ng tamang mga imprastraktura na magbibigay pansin sa katatayuan ng mga may kapansanan tulad ng mga wheel chair ramps at special lanes for disabled persons.

Ang mga ibinahaging Wheel Chair sa mga 50 recipients ay naisakatuparan sa pakikipag uganayan ng Pamaahalaang Panlalawigan at pagitan ng Latter Day Saints.

Ang ipinamahaging wheel chair ay takdang isinukat sa bawat indibidwal na recipients upang maging akma sa kanilang sukat ng katawan at taas para maging komportable ang mga ito sa lahat ng oras.

Edwin V. Zabarte/ PIObatangas

Twitter Digg Delicious Stumbleupon Technorati Facebook Email

No comments yet... Be the first to leave a reply!