Grupong Pang Kababaihan dumalo sa Nation Building Forum
PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM September 7, 2011
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO TEL/043/980-5206
Pasay City- Binigyan inspirasyon ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang mga mga naging kalahok sa isinagawang 18th National Congress ng Women Involve in Nation Building (WIN) noong ika-6 ng Setyembre.
Ang pagtitipon na may temang “ Developing Women’s Adaptive Capacities Towards Resilient Communities” ay inihandog ng Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources ay naglalayon na palakasin ang kapasidad ng mga kababaihan sa mabilis na pagbabago ng panahon at kaanyuhan ng kanilang mga kumunidad.
Kinatampukan ito ng mga kalahok mula sa samahang kababaihan ng lokal na pamahalaan mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
Ilan sa isinusulong ng WIN na palakasin ang kakayahan ng mga kababaihan sa pagtugon sa oras ng kalamidad at disaster sa pamamagitan ng isang lektura at presentasyon na inaasahan na magbibigay kaalaman sa mga ito na mga dapat isagawa una sa tahanan at sa kumunidad.
Sa mensahae na ipina-abot ni Governor Vi sa mga kasapi ng W.I.N napapanahon na aniya ng maging adaptive o mabilis na maki ayon ang kakayahan ng mga kakababaihan sa social responsibility o mga pampamayanang gampanin.
Naniniwala ang gobernadora sa taglay na kakayahan tulad ng likas na malikhain at born organizer ng mga babae, isang katangian na lubhang kailanagan sa mabilis at pabago bagong takbo ng katayuan ng kapaligiran at mga kumunidad.
Ibinigay na halimbawa ni Governor Vi ang mga programa sa kalusugan at edukasyon na malaki ang gamapanin ng mga kakababaihan na binubuo ng mga organized provincial groups tulad ng BHW, Day Care Workers, Voluntary Service Responders na kasama sa pagpapalaganap ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas./ Edwin V. Zabarte;PIOBatangas


09. Sep, 2011 








No comments yet... Be the first to leave a reply!