Estudyante ng Batangas National Highschool,Nangunguna sa Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines sa Region IV
PRESS RELEASE
Public Information Office
August 17, 2011
(043) 723 2344
Isang estudyante ng Batangas National Highschool ang nahirang bilang nangunguna sa Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines sa Region IV ngayong taong ito.
Siya ay si ESA Earl Justine Anain na napili ng regional BSP sa Los Banos, Laguna para sa nasabing search dahilan sa kanyang mga naging accomplishments sa bayan, komunidad at paaralan at sa kanyang husay sa pakikipagtalastasan.
Dahil dito, siya ay tumanggap ng Gawad Pagkilala mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas noong August 15, 2011.
Ayon kay Mayor Vilma A. Dimacuha, saludo siya sa mga batang skawt na may angking talino at katangian ng isang magaling lider. Maging inspirasyon sana ito aniya sa mga kabataang may matayog na pangarap. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)


22. Aug, 2011 








No comments yet... Be the first to leave a reply!