Araw ng mga magsasaka ipinagdiwang sa Balayan

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM
August 25, 2011
043-9805206
Balayan, Batangas- Nagtipon- tipon ang mga magsasaka ng bayan ng Balayan para ipagdiwang ang araw ng mga mag sasaka na binubuo ng ibat-ibang sektor ng mga magtatanim noong ika- 24 ng Agosto 2011.
Naging panauhin sa okasyon si Batangas Governor Vilma Santos Recto kasama ang mga opisyal ng Balayan na pinangunahan ni Mayor Manny Fronda at Vice Mayor Meldos Castillio kasama ang Sangguniang Bayan.
Tampok sa pagdiriwang ng Balayan Farmers Day ang pag parada ng ibat-ibang sektor ng sakahan kung saan ipinakita sa publiko ang mga pangunahing produktong agrikultura ng nasabing bayan.
Ipinaabot ni Governor Vi sa mga magsasaka na suportado ng kanyang pamunuan ang adhikain ng mga ito na bigyang sigla ang pagsasaka sa lalawigan at ibigay sa mga nagsasaka ang suporta para mapayabong ang kanilang ani.
Isusulong ni Governor Vi ang modernisasyon ng sistemang sakahan sa pamamagitan ng pag bibigay sa mga mga ito ng modernong farming equipment at mga bagong uri ng mga binhi na matataas ang farm yield o bilang ng dami ng ani.
Pasimula nito ang paghahandog ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka ng farm threshers o di makinang pansaka na inaasahang mapapablis ang pag-aararo ng mga lupang sakahan sa lalawigan.
Nakakasa na rin ang ugnayan sa pagitan ng Office of the Provincial Agriculturist at ng pribadong sektor ukol sa programa sa mga binhing pananim tulad ng palay at high value crops na ipapamahagi sa mga lugar sakahan sa lalawigan.
Kilala ang unang distrito ng lalawigan kung saan kabilang ang Balayan sa agrikultura at pangunahing produkto rito at pinagkukunan ng kabuhayan ang pagtatanim ng tubo, palay at gulay. (Edwin V. Zabarte; Batangas PIO)


26. Aug, 2011 








No comments yet... Be the first to leave a reply!