Hakbang para sa Kabataan, tagumpay sa lalawigan ng Batangas
PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM September 2, 2011
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO TEL/043-980-5206
Batangas City- Naging Star Studded Affair ang handog hakbang para sa kabataan sa lalawigan ng Batangas sa isinagawang ika- 39 edisyon ng Alay Lakad na dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa larangan ng sining, palakasan at pulitika noong ika-2 ng Setyembre 2011.
Tampok sa sama samang pag-hakbang na may temang “ Hakbang ko Alay sa Kabataang Batangueño” sina Governor Vilma Santos Recto kasama ang kanyang anak na si Luis Manzano, “Peoples Champ” at Boxing pound for pound king Sarangani Congressman Manny Pacquiao, Optical Media Board Chairman, Ronnie Rickets , Laguna Province Board Member Angelika Jones, ALFI National Chairman Frank Evaristo, Vice Governor Mark Leviste at Sangguniang Panlalawigan ng Batangas kasama ang mga Mayor ng ibat-ibang bayan ng lalawigan ganun din ang mga non-government at educational institutions.
Binigyang pasasalamat ni Governor Vi ang mga lumahok at nakiisa sa layunin ng Alay Lakad Foundation Inc.-Batangas Chapter sa pamumuno ni former Board Member Lianda Bolilia sa patuloy nitong pag-ganap bilang pangunahing kabalikat ng lalawigan sa pagbibigay ng bagong simula para sa mga out of school youths.
Sa pagtitipon tipon ng ibat-ibang sektor sa taong ito, natuwa ang gobernador na patuloy na dumadami ang mga sangay at orginisasyon na nakikiisa para sa adhikaing magbigay ng magandang kinabukasan sa kabataan.
Bilang panauhing pandangal ipinaabot ni Cong. Manny Paquiao ang kanyang pasasalamat sa mga Batangueño na maging bahagi ng makabuluhang okasyon at paghanga sa mga organizer na matipon ang iba’t-ibang
organisasyon sa iisang layunin. Sinabi niya isa sa gagawing niyang inspirasyon at halimabawa ang Alay-Lakad Batangas sa pagsasagawa ng sariling bersyon nito sa kanyang lalawigan sa Sarangani.
Ipinagkaloob ni Peoples Champ ang halagang P200,000 para sa ALFI- Batangas habang ang lalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Vi ay naghandog ng halagang P300,000 at G. Luis Manzano na may donasyong P50,000 kasama ang di pa nabibilang ng pledges and donation mula sa mga kalahok na istitusyon mula sa gobyerno, NGO’s. private sectors at learning institutions.
Ang Alay-Lakad Foundation ay isa sa mga pangunahing tumutulong sa mga kabataan partikular sa mga out of school youths at mga kabilang sa mga mahihirap na kumunidad na mag karoon ng pagkakataong makapasok sa ibat-ibang learning institutions sa pamamagitan ng scholarship at livelihood trainings na magagamit nila sa pagsisimula ng kanilang pagiging produktibong miyembro ng pamayanan./ Edwin V. Zabarte/PIO Batangas


05. Sep, 2011 








Job well done.To Gov. Vi, we are so proud of you…And to my kababayan, Ms. Leanda Bolilia, keep it up, u are a pride of Padre Garcia.