Gusaling Paaralan hatid sa Agoncillo Central School
PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM February 14, 2012
PLEASE REFER TO MS.GINETTE SEGISMUNDO
Tel/043/980-5206
Tumungo sa bayan ng Agoncillio ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Batangas Governor Vilma Santos Recto upang ipaabot ang serbisyong pang edukasyon at pangkalusugan para sa mga mag-aaral at mamayan ng bayang ito noong ika- 13 ng Pebrero 2012.
Naging tampok sa okasyon ang pagbubukas at pag-papasinaya ng 2 storey 4 classroom building na laan ng provincial government para sa Agoncillio Central School.
Ang blessing at pormal na turn over ng bagong gusali ay taos pusong tinanggap ng mga opisyal ng nasabing paaralan ganun din ang mga estudyante at mga magulang na sumaksi sa nasabing programa.
Ang gusali na siyang magiging primerang tahanan sa larangan ng karunungan ng mga mag-aaral ay naaayon sa makabagong disenyo na maaliwalas at kumpleto sa mga gamit silid paaralan.
Ipinaabot ni Governor Vi sa mga guro at opisyal ng paaralan na pangalagaan ang gusali upang higit na mapakinabangan ng mga mag-aaral sa bayan ng Agoncillio. Ipinaabot nito na seryosong tinututukan ng kanyang administrasyon ang mga kalalagayan ng mga imprastrakturang pang edukasyon sa buong lalawigan at siguraduhin na ito ay nasa tamang kundisyon at maaliwalas para sa mga mag-aaral.
Matapos ang inagurasyon, tumungo sa Brgy. Barigon Elementary School, isang paaralan sa nasa bulubunduking barangay ng Agoncillo upang alamin ang kundisyon at katayuan ng mga mag-aaral at guro sa nasabing lugar.
Binigyang komendasyon ni Governor Vi ang mga guro ng nasabing paaralan sa dedikasyong ipinakita ng mga ito sa pagtuturo sa mga bata sa nasabing Baranggay.
Bukod sa may kalayuuan, napanatili ng mga guro at opisyal ng Brgy. Barigon ang kayusan ng paaralan at mapanatili ang interes ng mga bata sa pag-aaral sa harap ng malayong lakbayin bago marating ang paaralan.
Isang deriktiba ang ibinigay nito sa kanyang pamunuan na siguraduhing maisaayos at makumpuni ang mga sirang silid paaralan partikular sa mga paaralan sa rural areas ng lalawigan.
Edwin V. Zabarte-BatangasPIO


16. Feb, 2012 








No comments yet... Be the first to leave a reply!